Ganto kase yon, nag-ugat ang Golgotha ko sa kaadikan ko sa pagsulat ng 1st and 2nd choice sa UPCAT form nung highschool ako. Ampness gusto ko kasi magmedicine. Syempre ang mga kinuha kong 1st choice BS BIO ng UP manila (sabi kasi mas maganda daw jan) tpos playing safe para sure na makapasok sa UP, ang sukdulang YUPI, ang pinili kong 2nd choice ay UP Baguio. Mababa lang daw kasi ang Upg na kelangan jan. Gusto talaga ng mga parents ko na maging Upian ako no matter what!!! kahit anong gastos or inconvenience or whaaat!!! Nakapasa naman ako sa Ateneo, eh gusto dw nila Peyups ehhh. Me magagawa ba si ako diba?
Ang pagkakamali ko, is this... Hindi ko pinili ang diliman...
Oh my...
Ayan na January na. Nirelease na ang results ng UPCAT. Xempre, kabado ako to the bones!! As in... Iniisip ko kung ano mangyayari sakin kung hindi ako makapasa. Kasi naman diba how can't I feel the pressure right then ehh halos lahat inaasahan ako makapasa. Wala nakong mukhang maihaharap pag hindi ako makapasa no.
Biglang may sinulat sa blackboard ang enemy ko by then at may sinusulat. Akala ko naman kung anong pang-aaway ang gagawin nia ready to attack na sana ako. Ang nasinulat nia:
Congratulations, Zarah, Aya, Erika, Edjohn - UP passers
Infairness nagtears of Joy ako nun! Nitext ko kagad c mama and kulang nalang magcart wheel ako sa gitna ng room.
Nang tinignan ko kung saan ako nakapasa........
........ UP Baguio - BS Biology

After One Year......
Tenenen!!!
Ewan ko magiging masaya ko or what! Ehh kasi aman, nakapasa naman pala ako sa Diliman hindi ko lang pinili Grrrr. Recon ang una kong naisip, pero ampness marerelease ang resulta after ng enrollment sa UP Baguio kamusta naman yon db?
Napaka inconvenient ng Baguio para sa isang Manila guy na tulad ko in terms of proximity. Lalo na kung isa kang kagaya ko.
Grabe preparations ko nun. Mentally, physically, emotionally, spiritually at kung anu anu pa.
Well, as i had expected nagdusa ako sa pagboboard. Pero ang hindi ko inexpect ay ang pagbabago ng outlook ko sa buhay na i will share sa next post ko.
Naging masaya talaga ako sa UP Baguio. Dun ko nahanap ang sarili ko. Iba ang kultura ng mga tao pero napakadami nilang itinuro sa akin na siguro madadala ko hanggang sa pagtanda ko.
Pero ganun talaga, kahit napamahal kana, kailangan mong isakripisyo yan sa convenience ng malapit na skul.
After one year ulit, Nasurvive ko din ang UP Baguio... College scholar
Dahil mataas naman ang GWA ko, nakapasok naman ako sa pinili kong course.... BS Applied Physics Major in Instrumentation Physics. Actually yan talaga ang gusto kong course kesa sa Bio. Techie kasi ako. Tsaka ang cool ng physics diba? I can't survive without the convenience of modern living. Kung magba-Bio ako, hindi ko kakayaning magresearch sa Kagubatan ng Cordillera. As in.
Pagkatapos ng summer vacation na talaga namang sinulit ko. Ayan dito na magsisimula ang amazing race of my life....
Grabe I need to go back and forth Cubao to Baguio and vice versa para lang magpasa ng mga papers na kelangan. Pagpunta ko sa Baguio mga 1 hour lang ako dun tpos sakay na ulit papuntang manila grabe talaga. 6 hours ang biyahe tpos balikan edi equal yun sa 12 butt-flattening hours!!!!
Napakainconvenient talaga. Ang gastos pa. Kung susumahin ang mga nagastos ko nun para lang magasikaso ng papers, aabot ng mga 10,000 Pesos!!! Oo hindi ako nagbibiro. Mahal kaya pamasahe. Talagang papahirapan ka pag lilipat ka. Feeling ko nun parang sinasabi sakin: "Kaw kase lilipat-lipat kapa ehhh yan magdusa ka!!" Ewan ko kung sinasadya ito ng UP or what pero diba? Hindi ba pwedeng i fax or magcoordinate sa isa't-isa dahil UP-UP naman.
Sa mga Taga Elbi or Baguio jan na gustong magtransfer after one year ito ang kailangan nio:
1. Certficate of good moral - to make sure matino kayo
2. TCG - to make sure na matalino kayo
3. Certificate of non-contract - obyus naman
Lahat yan nadadala sa ganto:

Then ipa2sa sa diliman tpos balik ka for
Clearance - na papipirmahan mo sa mga offices sa UP Unit mo to make sure na wala ka nabasag na microscope, dinekwat na libro, utang na hindi bayad or what...
Tpos uwi ka muna sa manila kase next week pa ibibigay ang TCG for 2nd sem
Tpos balik ka ulit para kunin yon
Tpos uwi ulit manila para ipasa sa diliman
Tpos balik ka para pag-naaccept kana para kumuha ng transfer permit.
Sa kaso ko, naiwala nila ang clearance kong pinaghirapan ko ng super kaya no choice. Ewan ko kung sadya yan.
Tpos yan ok na hintay nalang enrollment tpos balik ka after 60 days para sa OTR .. ^_^
....................
Akala ko tapos na, Kala ko anjoy na... hindi pa pala... HUHUHUHUHU T-T
...................
Enrollment week na!!! Syempre gumising ako ng maaga...
Hinanda ko na ang sarili ko para sa isang survival of the fittest game..
Ganito kasi ang proseso ng enrollment sa peyups:
1. Online CRS
- gamit ang iyong webmail, pwede kang mamili ng subjects na kukunin mo. Eto ang pinaka madali. Just choose n' click. Medyo unahan din kaya kailangan mabilis ka magclik ahahaha
2. Reconsider
-Kung Hindi naapprove ang iyong crs, pwede mo kang magpaconsider ata. Di ko pa natatry.
3. Prerog
- Ito ang last resort. Grabe ang hirap nito. Kailangan mo pumunta sa mismong department ng subject na gusto mo. Kamusta naman dito sa diliman diba? Anlaki.
Pagtransferee ka wala kang choice kung hindi number 3 lang. Kaya ayun, hunt to the max ng mga subjects na kailangan makuha lalo na ang mga majors. Actually madali lang kunin ang mga majors. Ang Hell ay ang GE'S
GE stands for General Education. Ito ay mga subjects sa TriCol (CS,CSSP,CAL) na dapat kunin ng isang Upian. Malaya kang mamili, mahirap pilahan.
Grabe! WTH! yan lang ang mga linyang nasabi ko nang makita ko ang neverending na pila sa College of Arts and Letters. Imagine nasa 2nd floor ang dulo tpos sa 3rd floor pa ang kabila. Haaaay.
Siyempre nag-freakout ako. 13 units palang ehh. Underload.
Kaya ayun, CSSP GE nalang muna
Isa pang Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyy
Habang naglalakad-lakad ako sa Palma Hall, Swerteng nakita ko itong Geog1, wow medyo maikli ang pila.
Alam niyo na ang nangyari.....
Ang last GE ko ang ginto. Grabe hindi ko alam kung saan ako pu2nta para magprerog!!!
Kung saan-saan ako napunta. Iba iba kasi ang mga sinasabi ng mga amf na gwardia. Kesa sa lobby daw, uala naman, sa rums daw sa 4rth floor, kamusta naman yon. And Etsetera.
And luckily nagtanong ako sa isang student guide kung saan magpapaenlist ng GE sa CSSP.
Amp sa Faculty Center Lang pala......
Imagine the energy and time na sinayang ko pamanik panaog, pabalik-balik sa kung saan-saan. Edi sana mas nauna ako sa pila diba?
At ayun Finally, Kas 2 is my saviour....
Sa wakas 19 units na
Post Advising na. Kala ko pa naman this is it na tapos na....
And then came the need for a medical certificate na kailangan ko na namang pilahan....
Siyempre, UP pila na naman tayo. Grabe
Kakatamad at kakainis na ikwento ang mga nangyari sakin jan. Aalalahanin ko pala lang napapagod nako.
At ayun, nang ibigay na sakin ang medical certificate na infairness PHYSICALLY FIT ang nakalagay!! Ahahahahah.
Wow sobrang saya ko!! para akong nanalo sa isang contest. Para akong nanalo sa isang reality show na survival of the fittest ang tema. Wow
And then came the bayad time....
Isa na namang Boring na pilahan na umaabot sa 2 palapag ang haba.
And then at last.............. my F - O - R - M -5!!!!
At last......
Enrolled na din ako................
Thanks
http://sayoterepublic.net
images.icarusrising.multiply.com
palscience.com
For my pictures heheh... ^^
0 comments:
Post a Comment